Advertisers

Advertisers

AI SA MEDIA PRACTITIONERS!

0 8

Advertisers

MEDIA PRACTITIONERS ang naghahatid ng mga pang-araw-araw na kaganapan sa pamamagitan ng radyo, diyaryo, telebisyon na inaasahan at pinagkakatiwalaan ng mamamayang naghahangad ng tunay na impormasyon sa mga kaganapan hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa buong mundo.

Gayunman, sa makabagong panahon natin ngayon ay tila nabulabog ng SOCIAL MEDIA ang larangan ng mga pagbabalita dahil sa pagsulpot ng mga SOCIAL MEDIA INFLUENCER tulad ng mga VLOGGER lalo na ng mga likhang ARTIFICIAL INTELLIGENCE (AI) na naghahatid ng mga maling impormasyon.., na hindi marapat ikabahala ng MEDIA PRACTITIONERS at sa halip ay harapin ito bilang malaking HAMON SA MEDIA INDUSTRY na ang mga REPORTER at EDITORS ang gagamit sa AI at hindi ang AI ang kokontrol o magmamanipula sa MEDIA PRACTITIONERS.

Kaya naman, ang JTI (JAPAN TOBACCO INTERNATIONAL) KOSHOKAI at ang iACADEMY ay inasistehan ang PAMUNUAN ng NATIONAL PRESS CLUB (NPC) nang 2-DAY SEMINAR WORKSHOP patungkol sa “AI IN MULTI-PLATFORMS STORYTELLING FOR JOURNALISTS” nitong nakaraang November 5-6, 2026 sa CLARK, PAMPANGA.



Ang naging EDUCATOR sa unang araw ng SEMINAR ay sina JTI KOSHOKAI
Corporate Communications and Public Affairs MR. RICHARD GLENN ARBOLEDA at iACADEMY CHAIRPERSON FOR INFORMATION TECHNOLOGY PROGRAMS MR. BENNETT TANYAG at sa 2nd day ng SEMINAR naman ay ang batam-batang edad 31 na si MR. IAN CHESTER INOY, isang certified MASTER OF FINE ARTS DESIGN (MFAD) at PROFESSOR ng iACADEMY, FEU at iba pang COLLEGES and UNIVERSITIES.., na isinentro ng mga ito ang pagpapaliwanag sa kung paano magagamit sa NEWSROOM ang AI o kung paano mapabibilis ng AI ang trabaho ng mga EDITOR lalo na sa pagberipika ng mga lehitimong detalye.

Kung ikukumpara ko noong late ’80s nang ako’y maging NEWS REPORTER ng national tabloid na ABANTE ay typewriter ang gamit sa paggawa ng news story sa opisina ng diyaryo dahil wala pang fax machine noon o ang mga PROVINCIAL REPORTER ay sa telepono ididikta ang ginawang draft ng news story at sa editorial ay kailangang busisiin ng mga EDITOR ang mga nilalaman ng news story upang maiwasan ang demandang libelo, may proof reader at mga layout artist na mano-mano ang mga paggawa.



Ngayong DIGITAL ERA ay ang mga NEWS REPORTER at PHOTO/ CAMERAMEN JOURNALISTS ang pinakamatrabaho dahil kailangan nilang puntahan ang lugar ng mga kaganapan para sa visualization ng mga nangyari.., na ang mga REPORTER ay sa laptop o celfone na gumagawa ng kanilang news draft article at ang PHOTO JOURNALISTS ay sa laptop na at sa NEWSROOM ay malaking katulungan na ang sistema ng AI mula sa pag-aanalisa ng mga detalye sa content ng news story hanggang sa layout para sa diyaryo o sa online news at audio/visual para sa tv news program o online media network.

Pindot-pindot na lamang .., ng mga daliri sa keypad ng computer, laptop o celfone na segundo-oras lamang ay matatapos na ang pagbuo ng news stories dahil sa tulong ng iba-ibang MEDIA APPS tulad ng ChatGPT, GEMINI NotebookLM, Claude, virtual assistant at maraming iba pang AI PLATFORMS.., na mlaking kaginhawaan ngayon sa pagtatrabaho ng mga bumubuo sa MEDIA INDUSTRY.



Ang naturang SEMINAR WORKSHOP ay malaking kapakinabangan sa MEDIA PRACTITIONERS para mapalawak ang kaalaman sa makabagong teknolohiya lalo na sa henerasyon naming mga SENIOR MEDIA PERSONALITIES na limitado ang kaalaman sa computerization kumpara sa mga KABATAANG MILLENIAL ngayon.

Mga ka-ARYA.., ang dapat nating gawin ay tayo o ang mga MEDIA PRACTITIONERS ang dapat gumamit sa AI bilang instrumento at hindi ang AI ang kokontrol sa ating PROPESYON.., ika nga ay dapat maipagpatuloy ng JTI KOSHOKAI at ng iACADEMY ang pagsasagawa ng SEMINAR WORKSHOP sa lahat ng MEDIA PRACTITIONERS upang mapanatili ang kalidad sa paghahatid ng mga totoong pagbabalita sa buong sangkatauhan!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.