Advertisers

Advertisers

5 katao huli sa pergalan raid sa Montalban at Tanay good job Rizal PNP, Pergalan ni Donya Tessie tuloy pa rin?

0 8

Advertisers

5 katao huli sa pergalan raid sa Montalban at Tanay good job Rizal PNP, Pergalan ni Donya Tessie tuloy pa rin?

Bago natin kalampagin ang Untouchable Pergalan sa Bayan ng Taytay na isang Donya Tessie ang nagmamayari at sinasbing bagyo sa lakas kay Mayor Allan De Leon dahil kumare ay bigyan natin ng pagkilala ang Rizal Police Provincial Office sa ginawang pagaksiyon sa inereklamong Pergalan.

Nais magpasalamat ng daan daang residente ng Montalban kay Rizal PNP Provincial Director PCOL. Eleazar Barber sa mabilis nitong pagaksiyon sa inerereklamong Pergalan sa naganap na pagsalakay nitong Nobyembre 6, 2026 dakong 11:00 ng gabi ang resulta arestado ang tauhan ni Alias Macalindog na siyang mayari at isinara ang mga sugalan tulad ng color games pero ang perya ay bukas dahil legal at may permit.



Hindi lang mga residente sa bayan ng Montalban mga Ka Usapang HAUZ ang nais magpasalamat sa magiting na Rizal PNP Provincial Director PCOL Barber kundi maging ang mga residente sa Bayan ng Tanay dahil sa Pergalan na katabi pa mismo ng Simbahan na kabilang sa sinalakay, ang resulta apat katao na pawang tauhan ni Elvie na siyang mayari ng Peryahan con Sugalan.

Bigyan dapat ng parangal ang mga tauhan ng Rizal PNP Provincial Office partikular ang PD rito dahil sa sunod sunod na accomplishments tulad ng pagkaka-aresto s mga wanted persons at pagsugpo sa ilegal na droga at iba pang krimen.



PD PCol. Barber Sir, may nagpapaabot po ng katanungan partikular ang mga residente malapit sa C-6 kung saan nakatayo ang Pergalan na pagmamayari ng isang Donya Tessie kung bakit hindi ito kabilang sa sinalakay samantalang halos taon ng nag ooperate at hindi magalaw galaw ilang palit na ng PD sa Rizal ay nakatayo pa rin ang Pergalan.

Base sa nakalap na impormasyon ng Usapang HAUZ may isang mataas na opisyal ng PNP ang ipinagmamalaki nitong si Donya Tessie kung kaya’t hindi kayang ipasara ang ilegal na sugalan sa Peryahan.



Putok na putok rin ang pagdawit sa pangalan ni Taytay Mayor Allan De Leon na kumare si Donya Tessie kaya’t nabigyan ng permit to operate at hindi lang pang dalawang buwan, tatlong buwan kundi halos pang isang taon.

Kaya pakiusap ng mamamayan ng Taytay kay Rizal PNP Provincial Office PD PCol.Barber kung nakayang ipasara ang ilegal na Pergalan sa Montalban at Tanay ay bakit hindi kayang salakayin at ipasara din ang puwesto ni Donya Tessie, pahabol may nagtatayo na raw Peryahan sa Lungsod ng Antipolo.

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag-email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o mag text or tumawag sa 09352916036