Advertisers

Advertisers

SEN. ERWIN TULFO, NAGHAIN NG PANUKALANG BATAS PARA PROTEKTAHAN MANGGAGAWA MULA SA TANGGALAN DAHIL SA AI

0 7

Advertisers

SA gitna ng mga ulat ng malawakang tanggalan ng mga empleyado dahil sa pagpasok ng Artificial Intelligence (AI) sa mga kompanya, naghain si Senate Social Justice, Welfare, and Rural Development Chairman Senator Erwin Tulfo ng Senate Bill No. 2563 na naglalayong protektahan ang mga Pilipinong manggagawa mula sa pagkakatanggal sa trabahol dahil sa gagamit na ang kompanya ng Artificial Intelligence (AI) automation.

“Hindi mawawala yung kailangang mag-adopt ng mga kompanya sa AI pero di dapat ma-kompromiso yung trabaho ng mga kababayan natin basta-basta, dahil yung kita nila yung pinangbubuhay nila ng pamilya nila,” saad ni Tulfo sa kanyang panukala.

“Yung technological progress di maiiwasan iyan, pero di dapat maiwan yung manggagawang Pilipino na sila lang mahirapan dahil tinanggal sila basta-basta,” dagdag ng Senador.



Layon ng panukala ni Tulfo na magdagdag ng mga probisyon sa Labor Code of the Philippines na nagsasaad ng mga kondisyon kung kailan masasabing patas ang pagtatanggal sa isang manggagawa dahil sa AI.

Ilan sa mga kondisyon ay:
– Dapat may totoong paggamit ng AI technologies o systems;
– Dapat i-implementa ang AI nang may “good faith”;
– Ang layon dapat ng AI sa trabaho ay makatwiran tulad ng pagbabawas sa gastos, at para sa ikagaganda ng serbisyo;
– Wala na ibang opsyon maliban sa AI na maaaring magbawas ng mga tao; at
– Dapat patas at rasonable ang pagtatanggal sa mga empleyadong apektado.



Nagbibigay din ang naturang panukala ng proteksyon para sa mga makatwirang tatanggalin sa trabaho sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng separation pay na katumbas ng hindi bababa sa dalawang buwang suweldo o hindi bababa sa dalawang buwang suweldo sa bawat taon ng serbisyo, alinman ang mas mataas.

Kung mayroong balak na pagtatanggal sa trabaho, iniaatas ng Senate Bill na ito sa mga employer na ipagbigay-alam ito sa Department of Labor and Employment (DOLE) nang hindi bababa sa anim na buwan bago ito isagawa.



At kung sakaling magpasok o magpatupad ng mga AI system na nakikitang magiging dahilan ng pagtatanggal sa trabaho, tinitiyak ng panukalang batas ni Tulfo na muling sasanayin (reskill) muna ng mga employer ang mga kasalukuyang empleyado bago humantong sa pagtatanggal.

“Kailangang magkaroon ng proactive na galaw upang maiwas ang mga manggagawa sa pagkakatanggal sa trabaho dahil lamang sa pagdating ng AI. Hindi lamang natin pinag-uusapan ang mga karera nila rito, ang pinagtutuunan natin ng pansin ay ang kabuhayan at ang buhay ng mga pamilya ng mga empleyado,” dagdag ni Tulfo.