Advertisers
Sa panahong madaling kumalat ang maling impormasyon at nagiging batayan ng katotohanan ang personal na paniniwala, iginiit ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matibay na prinsipyo upang makilala ang tama sa mali.
Sa kanyang mensahe sa Teaching Series na “Unchanging Truth in a Changing World” nitong Nobyembre 7, sinabi ni Cayetano na mahalagang maging bukas sa bagong kaalaman, pero hindi ibig sabihin nito na dapat pagdudahan ang lahat ng paninindigan.
Nagbabala siya na kung walang matibay na paninindigan, mahihirapan ang mga tao na makilala ang katotohanan sa opinyon.
“We grew up in a world where things were more definite, right and wrong. What they told us was right was not always really right, and what they told us was wrong was most probably wrong. Ang point ko lang po, wala masyadong relativity noon,” wika niya.
Ayon kayi Cayetano, malaki na ang ipinagbago ng mundo dahil sa mga bagong tuklas sa agham at pag-unlad ng teknolohiya. Ngunit para sa kanya, hindi dapat mawala ang mga pangunahing prinsipyo sa gitna ng mga ito.
Binigyang pansin din niya kung paano naaapektuhan ng artificial intelligence (AI) at mabilis na pagkalat ng impormasyon ang pagtingin ng mga tao sa katotohanan. Aniya, tila mas nakabatay na ngayon sa personal na kagustuhan ang pagtukoy kung ano ang tama at mali.
“Everything was about clarity in school. This is correct, that’s wrong. Now, it’s all about what you want. What your happiness is. What you think you are, is correct,” wika niya.
“If you don’t have a foundation, or even in the measurement, as the engineers or the technical people, you have to have a point of preference before you can make a measurement,” dagdag niya.
Para hindi basta matangay ng maling impormasyon, hinimok ni Cayetano ang mga dumalo sa Teaching Series na gawing gabay ang Salita ng Diyos sa pag-unawa at pagkilala sa katotohanan.
Aniya, hindi sapat na maraming nababasa o napapanood ang isang tao kung wala siyang matibay na batayan sa pagsusuri ng mga ito.
“We really have to discern. There’s no problem discerning when you are rooted in the Word of God. The problem with discerning, and you’re not rooted in the Word of God, you go back to fake news,” sabi niya.
Dagdag pa ni Cayetano, hindi kailangang maging eksperto o mahusay na tagapagsalita para maibahagi ang Salita ng Diyos. Mas mahalaga na maipaliwanag ang mga aral nito sa simpleng paraan upang maintindihan ng lahat at magamit sa pang-araw-araw na buhay.
“When we hold on to God’s word, for example, when you say, we are healed by the Lord Jesus, you have to imagine it now,” sabi ng senador.