Advertisers
PINAKA MAIGING gamitin ni BBM ang posisyon ng bise presidente na pagsusulong ng kanyang napipisil na kandidato sa halalang pampanguluhan sa 2028. Kailangan iluklok ang mamanukin niya sa 2028. Solusyon: Ihalili kay Misfit Sara ang kandidato niya sa 2028.
Kung napipisil niya si Raffy Tulfo o Risa Hontiveros, ilagay na niya ang alinman sa dalawa bilang pangalawang pangulo. Paalagwahin na niya upang makaposisyon kaagad. Ipakilala na niya sa madla upang tangkilikin ng mga botante sa 2028.
Batay sa Konstitusyon, kailangan piliin niya sa mga kasapi ng alinman sa dalawang kapulungan ng Kongreso bilang bagong bise presidente. Maaaring senador o kongresista ang inihahalili niya kay Misfit. Hindi niya puedeng ihalili ang hindi halal ng bayan.
Kaya kung ang napipisil niya ay si Gibo Teodoro o sinuman sa mga kasapi ng kanyang Gabinete, ilagay niya ang alinman sa mga senador o kongresista na walang ambisyong pulitikal. Nandiyan si Tito Sotto o Ispiker Bojie Dy.
Pero pinakamainam na gamitin niya ang poder ng pangalawang pangulo upang ilunsad ang kandidatura ng kanyang mamanukin. Mahalaga na gamitin bilang launching pad ang posisyon ng bise presidente ng papaborang kandidato sa 2028. Huwag itong sayangin basta basta.
Kaya mahalaga na silipin ang napipisil niya bilang bagong bise presidente. Hindi hahantong sa yugtong ito ang impeachment trial ni Misfit Sara kung ipawawalang sala at palulusutin lang siya. Alam ni BBM na mananagot siya sa kasaysayan sa sandaling pinalampas ang pagkakataon na padapain si Misfit Sara na totoong walang silbi sa kanyang gobyerno.
Malaki ang kasalanan ni Misfit sa bayan at hindi matatanggap ng bayan na basta siya mapawalang sala sa pagwawaka ng paglilitis niya sa ilalim ng Senate Impeachment Court (SIC). Samantala, parehong kuwalipikado ang aliman kay Raffy o Risa.
Malinaw si Raffy na tatakbo siya bilang releksiyonistang senador sa 2028 kung hindi siya piliin ni BBM bilang kahalili ni Misfit. Matatapos ang ikalawang termino ni Risa sa 2028 at maaaring maghinha siya o bumalik bilang kinatawan ng Akbayan Party List sa 2028.
Maaari rin siyang tumakbo bilang bise presidente ng sinumang kandidato mula sa hanay ng demokratikong alyansa ng iba’t-ibang grupo. Hindi problema kay Risa ang 2028. Maaari rin siyang maging kasapi ng Gabinete ng susunod na pangulo.
May may problema ay ang hanay ni Misfit Sara, lalo na iyong galing sa Davao City. Karamihan sa kanila ay may suliranin sa batas. Nahaharap sila sa iba’t ibang sakdal kaya hindi namin nakikita na magiging epektibo sila upang kahalili ni BBM.
Mukhang kriminal si Baste Duterte sa dami ng tattoo sa katawan at mukha at labis na kakaibang kapangitan. Sa ganang amin, hindi siya tatanggapin ng mga botante na maghahanap ng kandidato na mukhang disente sa kanilang panlasa.
Hindi rin uubra si Camoteng Robin dahil magiging isyu laban sa kanya ang labis na kabobohan at katangahan. Sa ganang amin, hindi siya tatanggapin ng mga botante na maghahanap na presidente na may angking talino, dunong, at kasanayan upang umugit sa poder ng panguluhan. Ang tingin kay Camote ay tuta lang siya ng mga Duterte.
***
MAGSISIMULA ngayong araw ang panig ni Misfit Sara upang iharap sa SIC ang ebidensya at mga saksi sa maraming ebidensya at saksi na naunang iniharap laban sa kanila ng prosekusyon. Hindi namin alam kung mayroon silang matibay at maaasahang estratehiya dahil pawang umuurong sa iba’t ibang dahilan ang mga inilatag nilang saksi.
Umurong ang unang dalawa sa pagharap sa SIC. Tumanggi ang isang iskolar at propesor ng batas sa isang pamosong pamantasan na humarap mamaya. Tumanggi rin ang isang corporate secretary ng isang kompanya ni Manash Carpio na tumestigo dahil may nakatakdang MRI siya sa karamdaman na hindi binanggit.
Hindi namin alam kung ano ang gagawin ng mga abogado ng depensa. Ang alam namin ay nagagalit sila dahil ibinuko ng prosekusyon ang kapalpakan nila sa paghahanda sa pagdinig. Tila hindi sila seryoso sa paghahanda. Ang buong akala nila ay jaywalking ang sakdal laban sa kanilang kliyente na si Misfit Sara.
***
MGA PILING SALITA: “With an ICC arrest warrant on his bald head, Bato is now the national laughingstock. Bato, manlaban ka! Ikaw ngayon ang lumaban.” – PL, netizen, kritiko
“The arrest warrant for Gongdi was issued by the ICC on March 7, 2025. Gongdi only knew its official character when it was served to him on March 11. Congress will resume its regular session on Monday, Nov. 9. Let’s see if his arrest warrant will be served on him on that day. But if Bato can still think clearly, the right thing for him to do is to present himself to the arresting law authorities. He does not have to wait for the arrest warrant to be served to him. He should do what Leila de Lima did in 2017. She presented herself despite the fact that the charges against her were flimsy and trumped up.” – PL, netizen
“Then Senate President Tito Sotto once said he wouldn’t allow law enforcers from the arrest of any senator inside the Senate premises. He intends to protect the integrity of the Senate as an institution. That’s fine. We can live with that. But here lies the catch: Tito Sotto did not say he’ll stop any senator accused of a crime from presenting himself to the arresting law enforcers there. Questions: Will Bato present himself to law enforcers when Congress resumes its regular session on Monday? Will Bato be man enough to do it? Bigger question: Will he follow what Leila de Lima did in 2017 when she presented herself to law enforcers? Your guess is as good as mine. Judging his previous statements, Bato is not that level headed or gifted with courage and intestinal fortitude to face his difficulties. Deep in his heart and mind and soul, he is a murderer. He knows it. Moreover, he is so used to a life of privilege and perks. Next question, please.” – PL, netizen, kritiko