Advertisers

Advertisers

TULOY ANG PAGLILITIS NI DUTERTE SA ICC

0 12

Advertisers

WALANG nakapigil sa paglilits ni Rodrigo Duterte, dating pangulo, sa International Criminal Court (ICC). Mag-uumpisa ito sa ika-30 ng Nobyembre sa punong himpilan ng ICC sa The Hague, Olandiya. Walang nagawa si Richard Haynes, ang bagong hirang na manananggol ng dating presidente, upang harangin ang trial ni Duterte.

Bagong hirang si Haynes bilang chief lawyer ni Duterte, o Gongdi. Natapos ang kontrata noong Marso ni Nicholas Kaufman ang Hudyong abogado ni Duterte. Hindi ito pinalawig ng pamilya ng tila baliw na dating presidente. Hinirang ni Consuelo “Honey” Avancena, asawa umano ni Duterte, si Haynes bilang kahalili ni Kaufman..

Tulad ni Kaufman, walang bagong katwiran si Haynes upang makumbinsi ang ICC na palayain si Duterte. Nagharap siya ng dalawang katwiran para sa kalayaan pansamantala ng kanyang kliyente. Hindi siya pinakinggan at ibinasura ang mga ito ng ICC Trial Chamber III.



Una, ikinatwiran ni Haynes na walang hurisdiksyon ang ICC dahil tumiwalag na ang Filiinas sa Rome Statute, ang tratado na bumuo sa ICC noong 2001. Hindi siya pinakinggan at ikinatwiran ng ICC na nanatili ang hurisdiksyon ng ICC sa mga krimen na ginawa ni Duterte noong kasaping bansa pa ang Filipinas ng ICC mula 2011 hanggang 2019.

Ikalawa, ikinatwiran ni Haynes na lumalala na ang karamdaman ng 81 anyos na si Duterte at hindi niya kakayanin ang bigat ng paglilitis. Mas maigi na palayain siya kahit pansamantala at bumalik sa Davao City. Babalik na lang siya sa kulungan kapag malusog na siya. Hindi rin siya pinakinggan ng ICC.



Bumuo ang ICC ng isang pangkat ng tatlong kataong espesyalistang doktor na tiningnan mabuti ang kalusugan niya. Lumabas sa kanilang pagsisiyasayat na nasa hustong kalusugan si Duterte at kaya siyang humarap sa bigat ng paglilitis. Hindi siya kailangan palayain kahit pansamantala. Kaya mananatili siya ng kulungan ng ICC upang maharap ang trial.

Iyan ang ikinatwiran ni Kaufman noong nailipad mula Filipinas si Duterte at dumating siya sa punong himpilan ng ICC noong ika-12 ng Marso, 2025. Hindi namin alam kung bakit iyan rin ang ginamit ni Haynes na katwiran sa paghingi ng pansamantalang kalayaan. Mukhang naubusan na ang pangkat ni Duterte ng bagong katwiran upang kumbinsihin ang ICC.



O sadyang walang bagong katwiran si Haynes kundi banggitin ang mga isyung teknikal. Hindi namin gagap ang galing ni Haynes, ngunit hindi maalis sa amin ang impresyon na kapareho lang siya ni Kaufman. Wala halos siya ipinagkaiba sa istilo at sistema ng pangangatwiran.

Ngayon, handang-handa na ang tatlo-kataong ICC Trial Chamber III sa paglilitis ni Duterte. Handang-handa na rin ang prosekuyon sa kanilang mga ihaharap na ebidensya at saksi sa paglilitis. Ang may problema ay ang pangkat ng depensa sa pamumuno ni Haynes. Inamin niya na hindi pa siya ganap na handa sa mga isyu na pag-uusapan sa trial.

Inireklamo nila ang labis na dami ng mga dokumento at testimonya ng pamilya at saksi ng mga biktima ng maramihang extrajudicial killings (EJKs) sa bansa noong pangulo ng bansa at alkalde ng Davao City si Duterte.

Hiningi nila na bawasan ang mga ebidensya at saksi na iniharap sa Trial Chamber III. Tahasang pag-amin ito na hindi kaya ang mga ebidensya sa haharapin nila sa paglilitis. Hndi namin alam kung paano malalampasan ni Haynes ang malaking problema niya sa ICC.

Ang alam namin ay tuoy-tuloy ang koleksyon niya ng professional feel mula kay Honey Avancena na siyang pumili sa kanya. Manalo at matalo si Duterte, tuloy tuloy ang bayad sa mga manananggol sa pangunguna ni Haynes.
***
Kakatwa ang sitwasyon na kung hindi pa matatapos ang paglilitis ni Bise Presidente Sara Duterte-Carpio sa Senate Impeachment Court, nahaharap silang mag-ama sa paglilitis sa magkahiwalay na hukuman – Si Rodrigo sa ICC at Sara sa Senate impeachment court.

Pareho silang nahaharap sa mga karumal-dumal na krimen. Si Rodrigo sa salang pagpatay sa mga pinaghilaang adik at tulak ng droga na umabot sa humigit kumulang sa 20,000 hanggang 30,000, ayon sa mga organisasyon ng karapatang pantao sa bansa at pagdambong sa salapi ng bayan si Sara.

Wala kaming nakikitang dahilan upang mapawalang sala si Rodrigo. Gayon din si Sara na malamang matanggal sa poder bilang pangalawang pangulo at hindi na makatakbo sa alinman na susunod na halalalan.

Nakikita namin ang tuloy-tuloy na pagbagsak ng pamilya Duterte sa pulitika. Hindi na sila muling maghahari sa bansa. Hindi na sila magsisiga-sigaan na akala mo ay pag-aari nila ang Filipinas. Tuluyan rin mawawalan ng alipin ang Tsina sa bansa.

Email:bootsfra@gmail.com