Advertisers

Advertisers

Panawagan ni Cayetano: ‘National repentance’ laban sa kultura ng pandaraya

0 70

Advertisers

Nanawagan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Linggo para sa isang national repentance o malawakang pagbabalik-loob at pagbabago sa bansa, kasabay ng babala na ang nakaugaliang pandaraya ay nagiging dahilan ng paglaganap ng korapsyon.

“What is permissible doesn’t mean we should be doing it,” pahayag ni Cayetano sa ika-37 anibersaryo ng New Alliance of God’s Servants in Taguig Inc. (NAGSTI) nitong November 8.



Ayon sa senador, marami sa mga gawaing itinuturing na normal lamang sa araw-araw ang nagiging dahilan kung bakit nasasanay ang mga tao na balewalain ang mga patakaran at palampasin ang pandaraya.

“Kung nagtataka po tayo kung bakit ang nakawan sa Pilipinas, whether sa private, sa government, whether may CCTV o wala, ay talamak, it’s because noong bata po tayo, y’ung kultura natin ay sine-celebrate po ang kaunting dishonesty,” wika niya.



Binanggit niya ang pangongopya sa paaralan, pagbibigay ng pera para mapabilis ang proseso sa mga tanggapan ng gobyerno, at paggamit ng kakilala para makalusot sa mga patakaran.

Kaugnay ng kontrobersya sa mga flood control project, sinabi ni Cayetano na kailangang suriin ng bawat Pilipino ang sariling mga gawain at pagpapahalaga upang matuldukan ang katiwaliang matagal nang nagpapahirap sa bansa.



“From the start sinasabi ko na kailangan ng individual and national repentance,” wika niya.

Aniya, hindi sapat na magsisi lamang kapag nahuli sa maling gawain. Kailangan ding aminin ang pagkakamali at magkaroon ng tunay na pagbabago.

Ibinahagi rin ng senador ang karanasan ng Taguig sa pagtutol sa mga pasugalan sa kabila ng malaking perang maaari sanang kitain ng lungsod mula rito.

Noong 2000 at 2001, nagtulungan ang mga religious group upang tutulan ang planong pagtatayo ng casino sa Taguig. Kalaunan, tinutulan din ng lokal na pamahalaan ang iba pang operasyon ng sugal, kabilang ang e-sabong, dahil sa masamang epekto nito sa mga pamilya.

“Y’ung casino po malaki [ang mage-generate na] pera. Pero ang sabi ni Lord, ‘Huwag ninyong tanggapin,’” pagbabalik-tanaw niya.

Binigyang diin ni Cayetano na hindi dapat ipagpalit sa malaking kita ang mga prinsipyo at kapakanan ng mga pamilya at komunidad.

Hinikayat niya ang faith community na gamitin ang kanilang oras at mga oportunidad sa pagtupad sa kanilang mga responsibilidad at sa mga layuning higit na makabuluhan kaysa pansariling pakinabang.

“Hindi pa pala tama ang ‘time is money.’ Time is purpose,” wika ni Cayetano.