Advertisers

Advertisers

Comelec, binuksan na ang voter registration para sa May 2028 Elections

0 15

Advertisers

BINUKSAN na ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes, Nobyembre 10, ang voter registration para sa May 2028 National and Local Elections, kung saan ibinigay ang deadline sa mga kwalipikadong Pilipino hanggang Hulyo 30, 2027 upang makapagparehistro.

Nagbibigay-daan ang registration period na ito para sa mga first-time voter na magparehistro, sa mga umiiral nang botante na magpalipat ng record, at sa mga na-deactivate na indibidwal upang ipareactivate ang kanilang voter status.

Upang mas mapadali ang proseso para sa publiko, muling inilunsad ng Comelec ang Special Registration Anywhere/Anytime Program (SRAP) sa Mabini Hall sa Luneta Park mula Nobyembre 10 hanggang 12, ganap na 8:00 AM hanggang 6:00 PM, bukod pa sa mga nakatakdang registration activity sa WalterMart Chino Roces sa Nobyembre 19 at Far Eastern University (FEU) Manila campus sa Nobyembre 24.



Muling ipinaalala ng komisyon na hindi tatanggapin ang mga barangay residency certificate at cedula bilang patunay ng pagkakakilanlan, kaya’t pinapayuhan ang mga aplikante na magdala ng mga government-issued ID tulad ng passport, NBI clearance, police clearance, National ID, ePhilID sa eGov app, postal ID, driver’s license, o student/senior citizen ID na naglalaman ng pangalan, larawan, at tirahan.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, target ng komisyon na magdagdag ng 3 mil-yong bagong botante upang maabot ang kabuuang 74 milyong electorate bago ang 2028 polls, bukod pa sa layuning malinis ang talaan at matiyak na ang lahat ng magsusumite ng Certificate of Candidacy (COC) ay opisyal at rehistradong botante sa bansa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">