Advertisers

Advertisers

DENIM DONATION DRIVE PARA SA ELEMENTARY STUDENTS NG SULU

0 29

Advertisers

NANGANGALAP ng mga lumang denim pants ang mga boluntaryo ng Hernandez Library sa Makati City upang gawing mga bag para sa 1,300 mag-aaral sa elementarya sa Sulu.



Gawa ang mga bag sa matibay na maong na nilagyan ng neon silver-backed taffeta (tela ng payong) at reflective materials upang mabilis na makita ang mga estudyante kapag naglalakad sa gabi o sa madilim na lugar.

Sa kasalukuyan, mahigit 300 bag na ang naipatahi sa tulong ng mga mananahi mula sa MIKA San Pedro, Laguna, na naglingkod sa mababang halaga lamang. Nakamarka ang mga bag na ipamimigay nang libre sa siyam na pampublikong paaralan sa lalawigan ng Sulu.



Tumatanggap din ang organisasyon ng mga butones para sa pencil case, pambatang kapote, at school supplies. Denim pants at butones lamang ang tatanggaping tela para sa proyekto at hindi magagamit ang iba pang klase ng damit.

Magpapatuloy ang denim donation drive hanggang Nobyembre 30, 2026. Maaaring mag-abot ng donasyon sa Hernandez Library sa Makati City (maong lamang, butones, school supplies, kapote |150 Amorsolo St., MG Building, Legaspi Village, Brgy. San Lorenzo, Makati City), UP Vanguard Secretariat Office sa Quezon City (maong | Dept. of Military Science and Tactics, Ylanan corner Magsaysay St., UP Diliman, Quezon City), o sa MIKA San Pedro Workshop sa Laguna (maong lamang | Brgy. Narra Basketball Court, San Pedro, Laguna)