Advertisers
UMAASA si Vice President Sara Duterte na aaprubahan ng International Criminal Court (ICC) ang kaniyang kahilingan na mabisita ang kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na Disyembre.
Ibinahagi ito ng pangalawang pangulo sa harap ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa isang pagtitipon sa Hong Kong, kasunod ng kaniyang muling paghahain ng aplikasyon sa Mataas na Hukuman.
Matatandaang inaresto at dinala si former President Rodrigo Duterte sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) noong March 11, 2025, halos 20 buwan na ang nakakalipas.
Ito ay kaugnay ng mga kaso niya ukol sa crimes against humanity na nag-ugat sa kaniyang kontrobersyal na war on drugs.
Sa kasalukuyan, nananatiling nakakulong ang dating pangulo sa ICC Detention Center sa The Hague, Netherlands kung saan inaasahang magsisimula ang paglilitis nito sa darating na November 30.