Advertisers

Advertisers

Ipaglaban at ipagtanggol natin ang ating karagatan sa WPS, atin ito!

0 10

Advertisers

Hanggang ngayon ay patuloy ang harassment, pagtataboy sa ating mga mangingisdang Pilipino na ginagawa ng mangingisdang Chinese sa ating teritoryo ng karagatan sa West Philippine Sea (WPS).

E mukhang mabagal at kulang sa mabilis na aksyon ang ating pamahalaan sa ginagawang ito ng mangingisdang Chinese.

Dapat bilis-kilos tayo sa ginagawang pag-angkin ng China sa teritoryo natin sa WPS, e kung babagal ang ating pamahalaan, baka tuluyan nang napasakamay ito ng China?



Masyadong masigasig ang China dahil lagi na, kasama ang mga barkong Chinese at patrulya ng Chinese Coast Guard sa ating karagatan — na patunay na ang pagkakaibigang alok ng China sa atin ay ano pa nga ba, peke?

Paimbabaw, panlilinlang, sabi nga, iba ang buka ng bibig, sa galaw ng kamay.



Dapat ang kalayaan ay lagi nating iginigiit, ipinaglalaban at ipinagtatanggol.

Kungdi kasi natin laging iginigiit, ipinaglalaban at ipinagtatangol ang dati ng atin ay hindi maitatawag na independent tayo. Ibig sabihin lang non, “takot tayo, di po ba?”



Pero ano ang laban natin sa lakas militar at nabal ng China: tiyak ang ating pagkatalo, kasi mahina tayo, kasi wala tayong ikakaya kung sakaling magkagiyera — na sana ay hindi mangyari.

Dapat kahit ano ang mangyari, kahit pa tagilid sa labanan, hindi dapat isuko at hindi dapat na ibigay na lamang ang ating karagatan sa WPS, at hindi dapat itigil ang paggiit sa ating soberanya.

Ika nga ng ating mga ninuno at nakatatanda …”Never give up, never surrender.”

Mali nga naman dear readers ang sabihing madalas ng iba na wala tayong magagawa.

“Wala tayong magagawa. E gigiyerahin na nga tayo still ang sinasabi ng ibang ewan ay wala tayong magagawa sa lakas ng China, ano ba yan?

Nasa atin ang ganap, atin at walang pingas na karapatan sa teritoryo sa WPS,

Noong Hulyo 14, 2021, sa makasaysayang pagdiriwang sa ating panalo sa award na ibinigay ng Permanent Court of Arbitration (PCA) under the United Nations Covention on Law of the Sea (UNCLOS) ay ipinaliwanag pa nga dati pa ni Prof. Jay Batongbacal na tayo, atin, tanging Pilipinas lamang ang may likas na angking karapatan at soberanya sa WPS.

Pilipinas lamang, hindi China, hindi ang iba pang bansa ang may hawak na karapatan, kapangyarihan sa nasasakop na mahigit na 200 nautical miles exclusive economic zone (EEZ) sa karagatan ng WPS.

Noon pa man ang Pilipinas ay kumikilos at gumagalaw sa karagatan nang ayon sa desisyon ng award ng PCA.

Pero ang China — sa kabila ng hindi na mabilang na protest letter — ay hindi natitinag sa pagkilos na angkinin ang sadyang atin noon pa man.

Kungdi ito pambabraso, ano ang matatawag sa ginagawa ng China tulad ng harassment at patuloy na pagpapalakas sa itinayo nitong mga base militar sa nabal sa iba pang isla sa WPS.

Wag na natin asahan pa na susunod ang China sa award ng PCA, piryud.

Tama ang ikinikilos ng butihing Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ngayon sa paraang naiisip nito upang igiit ang ating karapatan sa mga isla at teritoryo sa WPS.

Kung hindi kaibigan ang China, ano ang dapat na gawin?

Hindi tayo dapat natatakot, di po ba dear readers?

Umaasa tayo, bukod sa diplomasya ay may iba pang paraan na maaaring gawin ang sambayanang Pilipino laban sa sigalot sa WPS.

‘Wag tayong matakot sa paggiit sa ating karapatan bilang isang malaya, nagsasariling bansa.

Uulitin ng pitak na ito, atin ang WPS!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo,.com.