Advertisers

Advertisers

Buwis sa LPG at kerosene tinanggal na – DOF

0 73

Advertisers

INANUNSYO ni Finance Secretary Frederick Go na pinirmahan na niya ang resolusyon na nagtatanggal ng buwis sa mga Liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene.

Isinagawa ng Kalihim ang anunsyo sa kasagsagan ng budget hearing sa Senado para sa Department of Finance (DOF) noong Martes, Setyembre 22.

Ipinanawagan ni Senator Bong Go na dapat ay suspindehin na ang fuel excise tax dahil sa nagaganap na giyera sa Gitnang Silangan.



Subalit paliwanag ng Department of Finance, na hindi nila tatanggalin ang excise tax sa diesel at gasolina dahil magreresulta ito sa pagkalugi ng bansa ng nasa P12 bilyon kada buwan.

Dagdag pa ni Secretary Go na kapag natanggal ang buwis sa gasolina at diesel ay makikinabang ang mga mayayaman na sila ang malakas gumamit ng diesel at gasolina.



Sa halip ay gagawin na lamang ng gobyerno ang magpamahagi ng subsidiya sa mga vulnerable sectors habang tumataas ang presyo ng langis sa bansa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">