Advertisers
SA botong 13-6-1 nitong Mierkoles, Sept. 23, 2026, binabaan ng Impeachment Court ang threshold sa boto para ma-convict si Vice President Sara Duterte-Carpio.
Ito’y matapos mag-motion si Senator-Judge Alan Peter Cayetano na i-defer ang boto sa threshold na kailangan para ma-convict si Sara, kungsaan 13 Senador ang komontra rito.
Ang mga pumab or sa motion ni Cayetano ay ang kanyang ate Pia, Imee Marcos, Robin Padilla, Bong Gp at Camille Villar.
Ang kuya ni Camille na si Mark ay nag-abstain. Kung bakit? Ewan!
Ang mga bumuto ng YES ay sina Migz Zubiri, Win Gatchalian, Tito Sotto, Bam Aquino, JV Ejercito, Pia Hontiveros, Lito Lapid, Kiko Pangilinan, Erwin Tulfo, Raffy Tulfo, JoelVillanueva at Ping Lacson.
Ang Presiding Officer ng Impeachment Court na si Chiz Escudero ay ‘No’.
Dahil dito, hindi na maiaaplay ang 16 votes o 2/3 ng 24- miembro ng Senado. Pero 2/3 parin ang susundin sa kung ilan ang nagpa-participate o nanumpa bilang Senator-Judge bago simulan ang impeachment trial laban kay Sara.
Nang simulan ang impeachment trial, na ngayo’y nasa ika-30 araw na, ay 21 senador lang ang nakapanumpa para maging Senator-Judge. Nakakulong kasi ang dalawa (Rodante Marcoleta at Jinggoy Estrada) sa kasong Plunder, habang ang isa (Ronald “Bato” Dela Rosa) ay nagtatago o hindi nagpapakita dahil mayroong arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).
Maari pang bumaba ang bilang ng Senator-Judge na makaboboto pagdating ng araw ng paghukom, posible sa Disyembre, kapag hindi nakabalik si Senador Loren Legarda na nagpapagamot daw sa ibang bansa (France).
Nanganganib din si Sen. Alan Cayetano na makulong ‘pag naiakyat sa Sandiganbayan ang mga nakakasang kaso ng Plunder laban sa kanya.
Dahil dito ay malakas ang kutob natin na ma-impeah si VP Sara.
Subaybayan!
***
Kaabang-abang kung sino ang sunod na maging Chief Justice ng Korte Suprema kasunod ng nalalapit na pagretiro ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa Nobyembre 6, 2026 kungsaan sasapit na siya sa mandatory retirement age of 70.
May mga retired SC Justice na nagtutulak kay dating Supreme Court spokesman Midas Marquez, habang nirerekomenda naman ni dating Vice President ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. si Sr. Associate Justice Marvic Leonen.
Si Leonen, 63 anyos, ang uupong acting Chief Justice pagkaretiro ni Gesmundo kapag wala pang napipili si Pangulong BBM.
Si Leonen ay appointee ni yumaong President Noynoy Aquino.
Abangan!