Advertisers

Advertisers

73 POLICE MOTORCYLES, DAGDAG PWERSA SA UNIFIED 911 EMERGENCY RESPONSE NG NCRPO

0 5

Advertisers

PORMALnang binasbasan at itinurnover ngayong Setyembre 23, 2026 ang karagdagang 73 police motorcycle upang palakasin pa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang serbisyo ng Unified 911 Emergency hotline sa buong Metro Manila.



Ang naturang aktibidad sa NCRPO Grandstand, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City ay dinaluhan nina DILG Secretary Jonvic C. Remulla at PLTGEN Wilson Joseph F Lopez,TDCO, kasama ang iba pang opisyal ng PNP at NCRPO. Ang programa ay isinagawa sa ilalim ng pamumuno ni OIC NCRPO PBGEN Christopher N Abrahano.

Ayon kay PBGEN Abrahano, malaking tulong ang mga bagong motorsiklo para mas mabilis na makarating ang mga police responder sa lugar ng insidente at mapalakas ang police visibility sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

Makatutulong din ang mga motorsiklo sa pagresponde ng mga pulis ngayong papalapit ang holiday season, kung kailan inaasahang mas dadami ang tao sa mga mall, pamilihan, terminal at pangunahing lansangan.

Dahil motorsiklo ang gagamitin, mas mabilis na makakasingit at makakarating ang mga responder kahit mabigat ang trapiko—mahalaga lalo na sa mga sitwasyong bawat minuto ay mahalaga.

Pinaalalahanan ng NCRPO ang publiko na gamitin nang responsable ang 911 emergency hotline at magbigay ng tama at kumpletong impormasyon,kabilang ang eksaktong lokasyon at uri ng emergency,upang makatulong sa mabilis na pagresponde ng mga awtoridad.

Sa pamumuno ni Abrahano,pinapalakas ng NCRPO ang Prepare, Prevent and Respond upang mas mabilis at mas ramdam ng publiko ang serbisyo at presensya ng kapulisan. (JOJO SADIWA)