BAGONG VOTING THRESHOLD, 14 NA — SENATE IMPEACHMENT COURT
Advertisers
Bumoto ng 13 to 1 ang Senate impeachment court upang ibaba sa 14 ang voting threshold kung dapat ba o hindi na ma-impeach si Vice President Sara Duterte.
Ang boto ay batay sa naunang manifestation ni Senator Erwin Tulfo ukol sa kung paano ico-compute ang two-thirds voting threshold. Nais niyang linawin kung ang “all the Members of the Senate” ay mangangahulugan ng fixed seats na 24 members o dapat lamang na tumukoy sa aktuwal na bilang ng Senator-Judges na nalahok at makaboboto nang personal sa impeachment trial, dahil ang
“non-participating or detained members of the Senate should not cause an acquittal by default”.
Matatandaang sinabi nina former Chief Justices, namely Hilario Davide, Artemio Panganiban at Reynato Puno na maaring mabago ang numero nang maimbitahan sila bilang amici curiae upang magbigay ng opinyon sa Constitutional questions ukol sa voting threshold.
Dahil sa naganap na botohan, ang two-thirds ay nakabatay na ngayon sa bilang ng Senador na lumalahok sa impeachment trial processes.
Ang mga Senators na nakakulong, nagtatago o naka-medical leave ay di na kasama sa bilang kaya’t mula 24, ang numero na ngayon ay 20. Ang two thirds majority ay nasa 14 votes na. (JERRY S. TAN)