Advertisers
HINDI dredging ang problema sa dalampasigan ng Zambales. Hindi dredging ang dahilan kung bakit parang mga marupok na laruan na gumuho ang mga resort houses sa baybay dagat ng matulaing bayan ng San Felipe sa lalawigan.
Malinaw na ang hampas ng malalaking alon, malalakas na hangin, at bagsak na maraming ulan na dala ng habagat ang mga pangunahing dahilan kung bakit nagbagsakan at nasira ang mga resort houses sa Sitio Liwliwa at Barangay Sto. Niño sa San Felipe.
Itinayo ang mga ito sa mga lupaing nadagdag sa dalampasigan ng San Felipe at ilang bayan sa Zambales nang pumutok noong 1991 ang bulkang Pinatubo at magbuga ng bilyong cubic meter ng buhangin, bato, at lahar na dumaloy sa mga ilog at dagat. Accretion ang tawag sa Ingles sa prosesong ito.
Ngunit marupok ang accreted shoreland. Kinakain ng dagat sa panahon ng habagat. Iyong ibinigay ng dagat ay muling bumabalik sa dagat. Dahil marupok, pinigilan ng mga LGU na tayuan ito ng anumang istruktura. Dito nagsimula ang problema.
Taong 2011 ng nagpasya ang Zambales Provincial Foreshore Lease Management Council, isang interagency konseho, at ibinatay ang pasya ito sa ulat ng Provincial Foreshore Council. Ang pasya: Lahat ng mga lupaing iniluwal dahil sa pagputok ng bulkang Pinatubo ay itinuturing na “unclassified public land.” Samakatuwid, hindi ito maaaring kamkamin ng kung sino, at mabigyan ng anuman titulo.
Dahil iniluwal ito ng mga bato, buhangin, at lahar material mula sa Pinatubo, hindi maaaring kamkamin ng mga pribadong tao o interes ang mga ito at tayuan ng anuman istruktura upang gamitin mga lupain ito. Binanggit ito ni Marife L. Castillo, dating hepe ng CENRO sa Aug. 26, 2025 Inter Agency Council dialogue sa Provincial Engineering Office sa kapitolyo ng ng Iba.
Ito ang sabi: All accreted land facing West Philippine Sea in San Felipe and San Narciso, including Sitio Liwliwa, Barangay Sto Niño, is unclassified public land, formed by lahar deposits from Mt Pinatubo 1991, therefore cannot be titled, cannot be privately claimed, cannot be built with permanent structures, cannot be turned into residential areas.
“We forbade structures there, except for ‘pala-pala’ or makeshift huts for the use of fishermen and the public when they wished to enjoy the beach, ani Castillo. Ipinagbawal ng DENR ang pagtatayo ng anuman sa mga lupang iyan at binalaan ang publiko. Nagtanim ng punong agoho sa 20 ektarya Barangay Sto Niño upang tumatag ang lupang iyan.
Gayunpaman, hindi ganap na napigil ang pagkakaroon ng ilegal na negosyo doon. Ayon sa ulat ni Reinhard Jeresano, alkalde ng San Felipe, tatlong taon na nakalipas, dumami ang itinayong negosyo doon: 42 resort businesses sa 2019, 52 in 2020, 77 in 2021, 136 in 2022, at 298 noong Setyembre, 2023.
Ginamit ang ban noong 2011 na ipinataw noong 2011 upang ganap na ipagbawal ni Gobernador Hermogenes Ebdane, Jr. noong 2025-2026 ang pagtatayo ng anumang istruktura sa baybay dagat ng San Felipe. Nag-isyu siya ng memorandum upang hindi bigyang ng building permit at business permits ang mga negosyong itatayo sa dalampasigan.
Bagaman hindi maaring bigyan ng titulo ang dalampasigan ng San Felipe, naging masigla pa rin ang negosyo na naging underground sa San Felipe. Marami ang naakit na magtayo ng negosyo diyan habang naging maingay ang ilang environment group umano na dredging ang sanhi umano ng pagguho ng mga lupain at istruktura doon.
Ayon kay Jeresano, unang apektado ang mga datihang naninirahan sa mga lugar na iyon dahil kinuha ng pilit ang mga taong hindi kilala ang mga lupaing kalapit nila. “Almost all of the resort owners in Santo Niño, San Felipe, Zambales are illegal, with no land title, no building permit, but only deed of sale from questionable persons claiming to be land owners,” ayon sa ulat ng Provincial Foreshore Council.
Ayn kay Jeresano: “People, most of them from Manila, have been snapping up beachfront properties here at P9,000 per square meter even without papers. Imagine that? Then there are cases when the claimants quarrel among themselves over areas and boundaries, and then sue before the court”
May mga negosyante na nagpakita umano ng tax declarations na ibinayad umano sa mga lupang iyan, ngunit marami sa mga papeles ay huwag, aniya. May mga pumasok na rin na mga dayuhan na pawang naloko ng ilang negosyante upang bumili ng mga lupain sa dalampasigan. Ayon kay Jeresano: “Most are operated by illegal settlers. All business operators beyond the coastal road at Liwliwa are illegal settlers, who have stayed on simply by reason of occupancy.”
Ayon sa inventory ng DENR at Provincial Gov: Mayroon mahigit 2,000 private resorts sa San Narciso at San Felipe at walang silang kaukulang business permits. Itinayo ang kanilang pasilidad ng walang building permit. Ayon sa DENR: more than 2,000 illegally constructed structures in accretion areas across Zambales.
Nagkaroon na rin ng secondary market sa dalampasigan. Ayon kay Ebdane sa isang pulong sa Zambales Provincial Foreshore Lease Management Council: “Despite damages caused by nature, many investors are still being lured to buy lands inside the accretion area without knowing, or maybe they were not informed properly by sellers, that selling lands in the accretion is illegal”