Advertisers
After Subdivision 1 na may sudden slight imbalance sa laban ni Golden Boy CARLOS EDRIEL YULO, determinadong himirit at nanguna pa rin para pangunahan ang TEAM PHILIPPINES thru Gymnastics Association of the Philippines (GAP) sa Nagoya, Japan.
Pasok sa Top 5 ang GAP Boys, CARLOS EDRIEL YULO 1st place, 14.600 KARL ELDREW YULO, 2nd, 13. 966, kasunod sina JUANCHO MIGUEL BESANA, 4th at JUSTINE ACE DE LEON, 5th. Abangan ang next chapter ng laban sa Subdivision 2 na kasali ang mga pambato ng Japan, China at South Korea para sa Men’s Floor Exercise Final!
Good luck. GOD bless GAP Boys!
***
YULO BASHERS, NAKAPOKUS SA INTRIGA KAYSA LABAN NG PINAS
HIRIT sa issue ng YULO family ang ibang social media bashers na hangad pang bumagsak ang YULO Brothers na sina CARLOS EDRIEL at KARL ELDREW dahil sa simpatiya sa inang si ANGELICA POQUIZ na mismong naninira sa anak.
Unang inilulugmok ng ina si CALOY nang pumalag dahil sa isyung paglustay sa Php11M ipon na nasimot sa withdrawals without consent ng anak, nabisto lang sa bank notice. May unang isyu ng pagsusugal umano ng ina sa Solaire na short lived sa socmed at lumutang instead ang pagbili anila ng bahay para sa future ni CALOY. Yun lang bakit sa nanay nakapangalan? Kabuntot ang isyu na kontra si ANGELICA kay CHLOE ANJELEIGH SAN JOSE, Australia based socmed influencer/singer, girlfriend ni CARLOS.
Sobrang daring nga ba si CHLOE na ilang beses itinaboy at binastos nang ipakilala as per issues, pero pinili ni CARLOS at sinuportahan siya morally and financially nang nagback to zero sa pagkasimot ng Ph11M pati pondong GAP allowance, itinuloy ang laban sa suporta ng GAP at ni CHLOE until naitala ni CARLOS ang first ever double gold victory sa Paris Olympics after about a century of silence. Great! To recall, controversial ang posts at presscon ng ina sa paninira projecting a bad image for CARLOS bilang anak. Well, bakit pati si ELDREW wish din nilang bumagsak? Bumukod na rin kasi ito at nagpabless lately ng sariling house kasama ang gymnast ding sister na si ELAIZA. Isyu… na ginawa rin kay ELDREW ang trato kay CALOY, kinukuha ang ATM nito at may girlfriend na rin ang bagets.
Whatever differences and issues ng YULO family, hindi sana idamay ang laban sa Sports at pagrepresent ng magkapatid sa Pilipinas na great mission ng bawat athlete. Tama bang maghangad na bumagsak ang YULO Brothers dahil sa paghiwalay sa poder ng ina brought about by unjust money issues?
Nasa right age na si CARLOS at 24 while 18 y/o si ELDREW, both in journey to shape their own future. Bakit nga ba sinisira sa public ng sariling ina, contradictory sa kasabihang Pinoy ” Ang anak pwedeng tiisin ang magulang, pero ang magulang lalo pa ang ina, hinding hindi matitiis ang anak”.
So, not surprising ang napansin namin sa previous events pa., very close ang magkuya kahit itinakwil pa si Golden Boy CALOY.
Well then, laban ng Pinas ang laban ng YULO Brothers, whatever issue their family bears, sana lang, manahimik ang mga nagpapagulo ng sitwasyon. Let’s all pray and support Philippine Sports, competing proudly sa World Stage with the effort and capability of our athletes. Go CARLOS and EDRIEL YULO, we are with you. Go GAP Boys! Peace!
***
SEPTEMBER CHEERS
HAPPY BIRTHDAY Chairman/ former RTC Judge/Mandaluyong Mayor, BENJAMIN S. ABALOS, (Sept 21).GOD bless you more po Daddy BEN. great pride of Manda Tiger City! HBD, Sir REX ADO of DepEd Division Office, and to Mommy ROSEMARIE LARA, Adviser, Press Photographers of the Philippines (PPP). MBTC and Best blessings! HAPPY READING!