Advertisers

Advertisers

Naomi Cesar nakamit ang unang medalya ng PH sa Dakar Youth Olympic Games

0 8

Advertisers

MULING gumawa ng kasaysayan si Naomi Cesar para sa Pilipinas, sa pagkakataong ito sa 2026 Dakar Youth Olympic Games.

Ang 17-anyos ay naging kauna-unahang Pilipinang atleta na nakakuha ng medalya sa Youth Olympics, matapos makamit ang pilak sa women’s 800m final madaling araw ng Martes, oras sa Pilipinas.

Na-record ni Cesar ang oras na 2:09.34 sa final para makapasok sa podium at makamit ang kauna-unahang medalya ng bansa sa Dakar Youth Olympic Games.



Ang Filipinang runner ay nasa likod pa rin ng tatlong kakompetensya sa natitirang 200m ng karera, bago siya nagpabilisan patungo sa finish line.

Nakapasa siya sa final pagkatapos matapos sa ikaanim na pwesto sa semi-finals na may oras na 2:20.16.



Ang silver medal ni Cesar ang pangalawang medalya lang ng bansa sa Youth Olympics, pagkatapos makuha ni kiteboarder Christian Tio ang silver noong 2018 edition sa Buenos Aires, Argentina.

“Hopefully. I haven’t really looked that far ahead. But nothing’s off the table and just hopefully to continue to represent the Philippines and make everyone proud,” tugon ni Cesar ng tanungin tungkol sa 2028 Los Angeles Olympics.



Pinuri ng Philippine Athletics Inc. si Cesar sa kanyang pagkapanalo ng pilak na medalya, ang una para sa atletikang Pilipino sa Youth Olympic Games.

Nakuha ni Netsanet Selemon ng Ethiopia ang ginto sa oras na 2:04.43, habang nakuha naman ni Khadja Elmostaqim ng Morocco ang bronse sa 2:10.05

Ang pinakabagong tagumpay ni Cesar ay karagdagan sa kanyang makasaysayang gintong medalya mula sa 2025 Southeast Asian Games at pilak sa 2025 Asian Youth Games sa Bahrain.