Advertisers

Advertisers

28 BAYAN, 1 LUNGSOD SA ISABELA APEKTADO NG ASF; HIGIT 26K BABOY ISINAILALIM SA CULLING

0 169

Advertisers

SAN GUILLERMO, ISABELA – Umakyat na sa 28 bayan at isang lungsod dito sa lalawigan ang apektado ng kaso ng African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Dr. Angelo Naui, Provincial Veterinary Officer ng Isabela, ang 28 na bayan at lunsod ay kinabibilangan ng Cauayan City, Cabagan, Delfin Albano, Tumauini, Benito Soliven, Gamu, Naguilian, Reina Mercedes, San Mariano, Alicia, Angadanan, Cabatuan, Ramon, San Mateo, Cordon, Jones, San Agustin, Aurora, Burgos, Luna, Mallig, Quezon, Quirino, Roxas, San Manuel, Echague, San Guillermo at San Isidro.
Umabot na sa 26,051 baboy mula sa 312 barangays ng 28 munisipalidad ang isinailalim sa culling.
Base sa datos, ang mga munisipalidad na umabot sa libo ang mga baboy na isinailalim sa culling ay ang Gamu at Alicia na may tig-1,400; Reina Mercedes, 1,878; Ramon, 1,332; San Mateo, 2,396; Jones, 1,050; Burgos, 1,097; Luna, 1,881; Quezon, 1,345; at ang lunsod ng Cauayan ay 3,368.
Ang mga lugar namang may naapektuhang commercial farms ay ang bayan ng Alicia, Cauayan City, Gamu, Naguilian, Reina Mercedes, Ramon, San Mateo, Jones, Aurora, Burgos, Luna, Quezon at Roxas.
Napag-alaman na ngayong second wave lamang ang mga naitalang isinailalim sa culling na baboy.
Sa 28 munisipalidad ay wala nang report na may namatay na baboy sa mga bayan ng Delfin Albano, Reina Mercedes, Alicia, Angadanan, Cabatuan, San Mateo, Aurora, Burgos, Luna, Mallig, Quezon, Quirino, Roxas at San Manuel.
Kaugnay nito, humingi ng pang-unawa ang Provincial Veterinary Officer sa mga naapektuhan ng isinasagawa nilang culling dahil ginagawa lamang anila ito para makontrol ang pagkalat ng naturang sakit ng mga baboy. (REY VELASCO)