Advertisers
ARESTADO ang isang anak na lalaki nang gulpihin nito ang sariling ina sa Malate, Manila.
Kinilala ang “barumbadong” anak na si Dexter Hayag, 54, may asawa, vendor ,ng 1166 San Isidro St., Malate; at ang biktima ay ang kanyang ina na si “Aling Salud” Hayag, isa ring vendor.
Sa ulat, 6:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa bahay ng pamilya Hayag.
Ayon sa salaysay ni Aling Salud, naghahanda siya ng pagkain nang pagsusuntukin siya sa ulo at mukha ng anak sa hindi pa malamang kadahilanan.
Natigil lamang ang pananakit sa matanda nang dumating ang apo na anak na babae ni Dexter.
Nagsumbong ang ginang sa barangay at inaresto si Dexter.
Hinala ng pulisya, nawala sa katinuan si Dexter nang gawin ang pananakit sa ina.
Nahaharap sa kasong ‘physical injury’ si Dexter. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)