Advertisers

Advertisers

Pastor/kontraktor nirapido sa construction site sa Bulacan

0 265

Advertisers

BUMULAGTA ang isang pastor na kontraktor nang pagbabarilin ng dalawang lalaki sa Barangay San Agustin, Malolos, Bulacan.
Sa report na tinanggap ni PNP Region 3 Director, BGen. Val De Leon, agad binawian ng buhay ang biktimang si Ramil Castillo, 54, may-asawa, residente sa Brgy. Maginao, San Rafael.
Ayon sa ulat, pinagbabaril si Castillo habang tinitingnan nito ang nakontratang dalawang palapag na bahay ng kanyang churchmate na si Miguela Tanaka.
Nabatid na dumating sa site ang dalawang salarin na kapwa naka-bonnet sakay ng motorsiklo, kungsaan agad na pinadapa ang anim na trabahador ng bahay at mabilis na inakyat ng isang gunman ang ikalawang palapag ng gusali at walang sabi-sabing pinagbabaril ang pastor.
Makalipas ang pamamaslang sa pastor, mabilis na tumakas ang mga salarin lulan ng motorsiklo, tangay ang sling bag na naglalaman ng mga mahahalagang IDs.(Thony D. Arcenal)