Advertisers
HIHIGPITAN pa ng mga awtoridad ang pagbabantay sa mga nais bumisita sa Manila North at South Cemetery para masigurong masusunod ang safety protocols kontra COVID-19.
Ito’y alinsunod sa direktiba ni Manila Mayor Isko Moreno na lalo pang higpitan ang seguridad mula sa Huwebes, Oktubre 15, hanggang Nobyembre 4, dahil sa inaasahang dagsa ng mga bibisita sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Pakiusap ni Moreno, mas makabubuting bumisita na nang maaga para hindi na makisabay pa sa dagsa ng mga nais na makabisita sa sementeryo.
Magtatalaga rin ang Manila Police District (MPD) ng kanilang mga tauhan para tumao sa nabanggit na sementeryo at mabisang maipatupad ang health protocols laban sa banta ng nakamamatay na virus. (Jocelyn Domenden)