Advertisers

Advertisers

9 bayan at 2 lungsod sa Bulacan binaha!

0 265

Advertisers

DAHIL sa dalawang araw na walang tigil na pagbuhos ng malakas na ulan dala ng Habagat, siyam na bayan at dalawang lungsod ang binaha sa lalawigan ng Bulacan.
Abot beywang ang lalim ng baha na naranasan ng mga residente sa bayan ng Balagtas, Bocaue, Sta. Maria, Calumpit, Hagonoy, Paombong, Guiguinto, Bulacan, at Marilao, habang lubog din ang ilang barangay sa lungsod ng Meycauayan at Malolos.
Ayon kay Liz Mungcal, head ng Bulacan PDRRMO, dulot ang pagbaha ng walang patid na pag-ulan at high tide, at nilinaw na nasa 182.08 palang ang kasalukuyang level ng tubig sa Angat Dam kungsaan malayo pa ito sa spilling level nito na 210.
Samantala, binuksan ng Bustom Dam ang dalawa nitong flood gate habang isa naman ang binuksan ng Ipo Dam.(James de Jesus)