Advertisers
IPINAGKATIWALA na ng Department of Education (DepEd) sa mga paaralan at mga division offices ang pagbuo ng mga programa para sa mga estudyanteng hindi nakapag-enroll ngayong school year sa harap ng coronavirus pandemic.
Batay sa pinakahuling datos mula sa ahensya, nasa mahigit 2-milyong mga mag-aaral ang mas piniling hindi muna mag-aral ngayong taon.
Pahayag ni DepEd Usec. Diosdado San Antonio, mayroong alternative learning system ang ahensya para sa mga out-of-school youth upang sila ay makahabol pa rin.
Una nang sinabi ng DepEd na inaasahan nilang tataas pa ang enrollment turnout lalo pa’t tatanggap pa sila ng mga late enrollees hanggang Nobyembre 21.
Samantala, sa usapin naman ng posibleng massive dropout bunsod ng distance learning, inihayag ng opisyal na dapat umanong pag-isipan ng mga magulang nang maigi ang kanilang pasya.