Advertisers
ARESTADO ang tinuturing na ‘top 6 most wanted’ ng Manila Police District (MPD) sa Taguig City nitong Lunes.
Kinilala ang naaresto na si Errol Vicente.
Ayon sa ulat, natunton si Vicente sa Upper Bicutan sa naturang lungsod sa ikinasang manhunt operation laban dito. Nahaharap siya sa kasong robbery with homicide, at frustrated murder.
Sa report, may pinatay si Vicente sa Quezon City noong 2019 at isa pa sa Maynila nitong Pebrero, 2020.
Miyembro rin si Vicente ng notoryus na “Bautista Crime Group” o “Wang-Wang Group” na sangkot sa mga serye ng robbery, hold-up, snatching, carnapping at pamamaril sa Sta. Cruz at Tondo sa Maynila, Caloocan at Quezon City. (Gaynor Bonilla)