Advertisers
NATIMBOG sa ikatlong pagkakataon ng pinagsanib na puwersa ng PNP at PDEA ang notoryus na tulak ng droga sa bayan ng Abucay, Samal at karatig bayan ng Bataan.
Sa report na ipinadala ni Maj. Leopoldo Estorque, Jr. kay PNP Provincial Director Col. Joel Tampis, kinilala ang nadakip na si Jermie Yauco alyas Jim, 41, ng Barangay San Juan, Samal.
Base sa inisyal na imbestigasyon ni SSgt. Albert Valdez, 5:30 ng umaga ng Oktubre 13, 2020 nang madakip si Hualda sa Brgy. Mabatang, Abucay.
Napag-alaman na kalalaya lamang ni Hualda,nitong Oktubre 2 sa kaso rin ng iligal na droga sa bayan ng Samal.
Modus ni Hualda na ipinapalaman ang shabu sa ibinebenta nitong tinapay na monay sa ilang bilangguan sa lalawigan.
Nakuha mula kay Hualda ang 7 plastic sachets ng shabu na 5 gramo na nagkakahalaga ng P15,000.
Sinampahan si Hualda ng paglabag sa Sec.5,11 Article ll ng Republic Act 9165. (Thony D. Arcenal)