Advertisers
ISINAILALIM sa Signal No. 1 ang 11 lugar sa bansa.
Ito ay kasunod ng ikatlong pagkakataong pagtama sa kalupaan ng Tropical Depression Ofel sa bahagi ng Burias Island, Masbate dakong 12:00 ng tanghali ngayong Miyerkules, Oktubre 14.
Ayon sa PAGASA, nakataas ang Tropical Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar as of 2PM:
Batangas
southern portion ng Laguna (Luisiana, Majayjay, Liliw, Nagcarlan, Rizal, San Pablo City, Calauan, Alaminos, Los Baños, Bay, Magdalena)
central at southern portions ng Quezon (Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista, San Narciso, San Andres, Mulanay, San Francisco, Catanauan, Lopez, Calauag, Quezon, Alabat, Perez, Atimonan, Tayabas City, Mauban, Sampaloc, Lucban, Gumaca, General Luna, Macalelon, Pitogo, Unisan, Plaridel, Padre Burgos, Agdangan, Pagbilao, Lucena City, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio),
Calamian Islands,
Occidental Mindoro,
Oriental Mindoro,
Marinduque, Romblon, Camarines Norte, Camarines Sur,
Catanduanes,
Albay,
Sorsogon,
Masbate (kabilang na ang Ticao at Burias Islands)
Matatandaang una nang nag-landfall ang Bagyong Ofel sa bahagi ng Can-avid, Eastern Samar kaninang madaling-araw, at ikalawa naman sa bahagi ng Matnog, Sorsogon kaninang alas-6 ng umaga.