Advertisers

Advertisers

‘Anak’ ni Marcos huli sa scam

0 332

Advertisers

ISANG lalaki na nagpapanggap na anak ni dating yumaong Pangulo Ferdinand Marcos ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa panloloko nito sa ilang overseas Filipino workers (OFW) at pagkakasangkot sa iba pang scam.
Ang inaresto ng NBI Anti-Organized and Transnational Crimes (AOTC) division ay si Malberto Marcos sa kaniyang bahay.
Sa garahe nito nakita pa ang painting na kasama niya ang dating diktador.
Inaresto si Marcos sa kasong carnapping nang ipambayad nito sa kotseng binili ang ilang “government bonds” ng China.
Modus rin umano ni Marcos ang pagpapanggap na anak ng dating yumaong pangulo.
Nagpapakilala rin itong may royal blood at tagapagmana ng tagong pera ng mga Marcos.
“Involved pala siya sa mga investment at donation scam. He claims to be the son of Ferdinand Marcos, anticipating na magkakaroon ng withdrawal sa bangko na makukuha niya,” ani Manuel Eduarte, hepe ng NBI-AOTC.
Itinanggi naman ni Marcos ang mga akusasyon ng panloloko, sinabing katukayo lang niya ang pamilya ng diktador.
Noong 2018, inaresto ang isang suspek nang nakawan ng P2 milyon ang mga biktima sa parehong modus.
Hinihikayat ng NBI na lumantad ang mga nabiktima sa naturang scam. (Jocelyn Domenden)