Advertisers

Advertisers

AWOL na pulis patay nang ‘manlaban’ sa drug ops

0 309

Advertisers

TODAS ang isang dating pulis nang manlaban sa anti-illegal drugs buy-bust operation sa Barangay Del Carmen, San Jose, Camarines Sur.
Kinilala ang nasawi na si Vicente Imperial, residente ng Bgy. San Antonio, San Jose.
Sa ulat, nakikipagtransaksyon ng tulak sa poseur buyer nang mapansin nito ang presensya ng ilang pulis kung kaya agad itong bumunot ng baril at pinaputukan ang mga otoridad, kungsaan agad namang rumesbak ang mga otoridad at nasapul ito.
Sa report, nakumpiska sa tulak ang 40 pirasong small heat-sealed transparent plastic sachet ng shabu.(PFT team)