Advertisers

Advertisers

Basilan jailbreak: jailguard patay, 8 nakapuga

0 245

Advertisers

PATAY ang isang jailguard habang 8 preso ang nakatakas sa Basilan Provincial Jail sa Isabela City, Basilan nitong Martes.
Kinilala ang nasawi na si JO3 Asbi Florencio Salih, 48.
At ang mga nakatakas na preso ay kinilalang sina Battuh Kusain ng Tuburan, Basilan, nahaharap sa kasong Murder at Multiple frustrated Murder; Gappal Saripada ng Zamboanga City ( Multiple Murder at Frustrated Murder); Hernie Asao ng Maluso, Basilan (Illegal Possession of Explosive at Illegal Possession of Firearms); Nurhasan Lahaman ng Sumisip, Basilan (2 counts Murder); Albaser Ahmad ng Moh Ajul, Basilan (Murder at Frustrated Murder); Mahad Hassan ng Sumisip, Basilan (Murder); Kaliji Hajirul ng Moh Ajul, Basilan (Murder); at Torotoy Abbas ng Isabela City.
Sa report, 6:00 ng gabi nang tumakas ang mga bilanggo.
Ayon sa ulat, sinira ng mga preso ang seldang bakal at mabilis na pinagtulungan ang jail guard na si Salih hanggang sa mapatay. Tinangay ng mga preso ang service fire arms na kalibre .45 at isang M4 rifle sa pagtakas patungo sa Salain Drive, Brgy. Sumagdang.
Ninakaw rin ng mga pugante ang isang Yamaha Sniper, Honda Beat at isang tricycle sa pagtakas.
Napatay naman ng mga tumutugis na mga otoridad si Torotoy Abbas sa Purok Gumamela, Brgy. Sumagdag.
Patuloy pa ang isinasagawang manhunt operation laban sa 7 pugante.(Mark Obleada)