Advertisers
DROGA ang itinuturong motibo ng Bureau of Corrections (BuCor) sa nangyaring riot sa New Bilibid Prison (NBP) na ikinasawi ng hindi bababa sa 9 preso noong nakaraang linggo.
Ayon kay BuCor Chief Gerald Bantag, 2 grupo lamang sa loob ng bilibid ang responsibilidad sa nangyaring riot, ang Sputnik at Commando Gangs.
Dahil dito, isinailalim na anila sa mahigpit na monitoring ang 2 grupo gayong nananatili parin ang tensyon sa mga ito.
Tiniyak ng BuCor na mananatili silang makikipag-usap sa mga lider ng gang at iba pang grupo sa loob ng bilibid upang maiwasan ang panibagong riot.
Tinatayang nasa 400 na patalim ang nasamsam ng BuCor sa kanilang paglilinis sa NBP (Gaynor Bonilla)