Advertisers

Advertisers

2 natusta habang naglalagay ng internet sa online class

0 373

Advertisers

NASAWI ang dalawang miyembro ng pamilya nang makuryente habang nagkakapit ng internet device para sa online class sa Dimiao, Bohol.
Kinilala ang mga nasawi na sina Tristian Dexter, 26; at Christian Val, 20.
Ayon kay Police Staff Sergeant Anselmo Nayve ng Dimiao Police Station, nangyari ang insidente 5:30 ng hapon sa Barangay Limokon Ilaod.
Sa report, gumamit ang mga biktima ng G.I. pipe upang maging antenna na iniligay sa isang puno ngunit nahulog ito at natamaan ang isang poste ng kuryente.
Naisugod pa sa pinakamalapit na ospital ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival.(PFT team)