Advertisers

Advertisers

Pekeng media nang-harass ng poll watchers sa Bulacan

0 13

Advertisers

NAGKALAT o naglipana sa lalawigan ng Bulacan ang mga pekeng media na nangha-harass ng mga kandidato nitong nakaraang halalan.

Sa ulat, pinasok ng anim na armadong lalaki na nakasuot ng best jacket at may name tag na ‘Media’ sa likuran ang headquarters ni Vice Mayor Martin Angeles na reelectionist ng bayan ng Bustos, Bulacan.

Nagpakilala umanong mediamen at taga-Comelec ang anim na lalaki kasama ang isang nagngangalang “Pedro Ramos” na isang retired Police Colonel.



Sa video na kumalat sa Facebook, sapilitang pinasok ng grupo ni Ramos ang headquarters ni Angeles at tinakot ang mga watcher nito na nagsasagawa ng seminar sa nasabing lugar. Nagpakilala rin umano silang nasa hanay ng media at may ipinapakita pang pekeng media ID.

Nagpakilala rin umano ang grupo ni Ramos na mga kawani ng COMELEC.



Napag-alaman din na tauhan umano si Ramos ni Mayor Arthur Robes at Cong. Rida Robes ng siyudad ng San Jose del Monte at kasalukuyang hepe ng Public Order and Safety Office (POSO) ng San Jose del Monte.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">