Advertisers
BINABANTAYAN na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga exit point ng bansa, katuwang ang iba pang law enforcement agency sa posibeng paglabas ng bansa ng puganteng si Senador “Bato” dela Rosa.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, wala sa opisyal na rekord ng Bureau of Immigration (BI) na nakalabas na ng bansa ang senador.
Pero nakiusap ito sa Senador at sinabing dalawang bagay lang ang mangyayari sa kanya — aarestuhin o susuko siya.
Alam aniya ni Dela Rosa kung ano ang tamang gawin dahil dati siyang taga-law enforcement.
Ayon pa kay Matibag, kumikilos na ang dedicated team ng bureau para matugis ang senador sa bisa ng arrest warrant mula International Criminal Court (ICC).
Oras na maaresto, itu-turnover nila si Dela Rosa sa Department of Justice (DOJ) para sa susunod na hakbang.
Una nang sinabi ni Justice Secretary Fredderick Vida na ‘ultimate objective’ nilang bitbitin si Dela Rosa sa ICC.
Una nang binigyan ng ‘go signal’ ng DOJ ang PNP at NBI para tugisin si Dela Rosa.