Advertisers
SA kabila ng direktiba ni PNP Region 4A Director BGen. Hansel Marantan na ipatupad ang all-out war laban sa gawaing kriminal sa CALABARZON ay binabalewala ito ng karamihan sa kanyang mga police chief at iba pang opisyales. Sa halip ay nakikipagsabwatan ang mga ito sa grupo ng mga “kapustahan o police tong collector” tulad nina alyas Sgt. Adlawan at Magsino.
Si alyas Sgt. Adlawan ay isang nasipa sa serbisyo na Davao Police na may nakakadudang tagong yaman. Kahit na wala itong hanapbuhay ay naging milyonaryo, may magarbo at mansyon na bahay at modelong mga sasakyan, bukod sa libu-libong imported na sasabunging manok sa isang farm sa Sto. Tomas City, Batangas.

Sa tuwing magpapalit ng PNP Regional Director at Provincial commander sa CALABARZON ay kalimitang si alyas Sgt. Adlawan at Magsino ang nakakakuha ng “prangkisa” sa pangongolekta ng tong, suhol, lagay, tongpats, tara o weekly intelhencia mula sa Small Town Lottery (STL) bookies sa 29 na bayan at limang siyudad sa Batangas; 20 saklaan sa Lipa City nina alyas Sgt. Mitch at Figaro; dalawang saklaan sa Brgy. Sambat at Poblacion Padre Garcia nina alyas Tisoy, Nonit, Estole at Russel; walong saklaan ng mga pulis sa bayan ng Nasugbu; dalawang saklaan ni alyas Kon Romy sa bayan ng Cuenca at pasakla ni alyas Lucido sa Tanauan City. “Pasok” din sina alyas Sgt. Adlawan at Magsino sa mga pwesto pijo o permanente pergalan at pasugalan sa malapit sa municipal Hall at katabi ng Andoks sa bayan ng Lobo, pergalan sa Brgy. Mataas na bayan, sa Lemery ni alyas Malou; illegal quarry, logging mining sa bayan ng Taysan at Batangas City; mga illegal terminal at colorum van; petroleum/oil pilferage o buriki/paihi at fake imported cigarette smuggling na naturang lalawigan.
Liban sa talamak na illegal gambling sa buong CALABARZON ay “patong” din sina alyas Adlawan at Magsino sa operasyon ng di masawata at talamak na buriki/paihi sa mga lalawigan ng Laguna at Cavite.
Si alyas Magsino ay kanang-kamay ni alyas Adlawan sa tong koleksyon sa Batangas at Laguna.Si alyas Adlawan ang personal na nagre-remit ng kabuuang koleksyon mula sa mga ilegalista sa buong CALABARZON sa ilang nakapayolang mga police official.
Bukod sa PNP Region 4A ay “itinatara” nina alyas Adlawan at Magsino ang mga pangalan ng ilan sa mga opisyales ng CIDG RFU 4A; R2; CIDG Batangas Provincial Office; Batangas, Laguna, Cavite, Rizal, Quezon PNP Provincial Offices at maraming police chief at opisyales, at maging National Bureau of Investigation (NBI) Regional Office.
Nagsimula ang maruming underworld career ni Magsino, nang makasuhan ito kaugnay sa usaping robbery extortion at illegal possession of firearm and ammunitions dahil sa pangingikil sa ilang perya-sugalan (pergalan) operator at pagpapaputok ng baril sa Sto. Tomas City may dalawang taon na ang nakaraan.
Ngunit lumilitaw na moro-moro lamang ang pagkadakip kay Magsino ng noon ay mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit 4A pagkat sa halip na mapasentensyahan sa hukuman ay ginamit ito sa malawakang protection racket activity ng ilang scalawag police officials at maraming police chief.
Liban sa pagiging full-time police tong collector, si Magsino ay “enkargado” at tagapamahala din ng limang sakla joint sa Sto. Tomas City, Batangas na di naman inaaksyunan ng kapulisan ng naturang siyudad.
Kabilang naman sa mga inirereklamo sa lalawigan ng Rizal ay ang lotteng, EZ2 at pick 3 bookies operation ng isang alyas Bong Zola; Peryahan ng bayan (PnB) bookies ng isang alyas John Yap; mga puesto pijo na pergalan ng isang alyas Dodie Bakla sa C6 Floodgate,Taytay Bypass Road; ni Nesty sa Brgy. Macamot, malapit sa munisipyo at Tomboy sa Brgy. Pag-asa pawang sa bayan ng Binangonan (Rodriguez) at sa isang Mang Bert sa P. Oliveros Street, malapit sa Antipolo City Cathedral. Ang mga nasabing gambling con drug den ay illegal nag-ooperate at di alintana ng mga alkalde, police chief at ni Rizal Police Chief Col. Eleazar Barber Jr.
Ang mga tong collector ni alyas Adlawan sa Rizal ay sina alyas Maj. Mendoza, Brodpet, alyas Sgt. Sagpao, alyas Sgt. Jack at alyas Sgt. Marcial na talikuran kung “manuklaw” kay Gen. Marantan? Ang mga nasabing gambling con drug operator ay malayang nakakapag-operate at di alintana ng mga police chief, gobernador, alkalde at Rizal PNP Director Col. Eleazar Barber Jr.
Upang suportahan ang kampanya ni PNP Region 4A Director BGen. Hansel Marantan ay isisiwalat ng SIKRETA ang mga pinoprotektahan na illegal na aktibidad nina alyas Adlawan at Magsino at ng iba pang mga “kapustahan (police tong collector) na kasabwat ang ilang mga trusted official at ilang police chief sa mga siyudad at bayan sa CALABARZON… May karugtong.
***
Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144