Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
HINDI lang singer, kundi isa na ring artista ang gwapong bagets na si Dwayne Garcia. Napanood siya sa kanyang unang pelikulang ginawa titled Outside de Familia mula sa panulat at direksyon ng award-winning composer/director na si Joven Tan.
Sa nasabing pelikula ay gumanap si Dwayne bilang anak ni Gelli de Bellen. In fairness sa kanya, kahit baguhan pa lang siya sa larangan ng pag-arte ay nagampanan niya nang buong husay ang kanyang role.
“Ever since I was a kid, pangarap ko na talaga ang singing and acting. Maraming salamat sa lahat ng sumusuporta para matupad ang mga pangarap ko. Singing and acting have been my dream. Thank you so much to everyone who supported me in making my dreams come true,” sabi ni Dwayne.
Hindi lang paggawa ng local films ang gustong gawin ni Dwayne, pangarap niya ring magkarooon ng international movie.
“Gusto ko po talaga na makasali sa isang malaking pelikula, na pang-international ‘Yung makapasok po sa Oscars. ‘Yun po talaga ang dream ko.”
Samantala, available na on all music platforms ang latest single ni Dwayne titled Para na Muna, words and music by Joven Tan, under Star Music.
“It’s about an unhealthy relationship. It’s also about pausing when things are going bad to examine what went wrong,” paliwanag ni Dwayne tungkol sa kanyang kanta,
“Maraming makaka-relate sa song na ito. Sana kapag pinakinggan nila, ma-realize nila na kailangan natin ng break. Kailangan po natin ng time to restore, repair. Hopefully, ma-LSS po sila” aniya pa.
Ang mga magulang ni Dwayne na sina Alfredo at Teresa ay contractors. Pero maipagmamalaki niya na matitino ang mga ito.
“Matino naman ang parents ko bilang contractors.”
“Sinasama nila ako sa site visit para matuto raw ako. So nakikita ko naman na legit ang profession ng parents ko.”
“Bilang anak ng contractors, dahil nasa issue ang ilan sa kanila ngayon, hindi maiiwasan na maghinala ‘yung iba. But I trust my parents and they are genuine people. So nakakatulong naman sila sa mga tao by giving jobs and doing projects. Nakikita ko yun.”
“Amaze ako sa kanila dahil may chance talaga na maging ganun ang mga parents ko pero hindi sila ganun. I admire them and idolize them because they set good examples. When I grow up, I want to be like those who have a good heart,”papuri pa ni Dwayne sa kanyang mga magulang.”