Advertisers
Ni Anne Venancio
Usap-usapan sa social media ang bagong hitsura ni Ellen Adarna matapos magbahagi ng mga larawan kung saan nagmukha siyang leading lady sa isang Chinese historical fantasy drama.
Dahil sa bonggang kasuotan, hairstyle at makapal na makeup, maraming netizen ang napaisip kung AI-generated ang mga larawan.
Agad namang nilinaw ng aktres na hindi gawa ng artificial intelligence ang kanyang mga litrato. Aniya, raw at hindi retouched ang mga ito dahil hiniling niya mismo sa photographers na huwag nang baguhin ang kuha.
Ibinunyag ni Ellen na naging susi sa kanyang malaking transformation ang husay ng Chinese makeup artists na gumamit ng sikat na Douyin makeup style.
Ayon sa aktres, wala pang 30 minuto ay nagawa na nitong baguhin ang kanyang hitsura, kabilang ang makeup at buhok.
Ibinahagi rin niya ang behind-the-scenes photos upang ipakita kung paano nabuo ang kanyang bagong look.