Advertisers

Advertisers

Digong pinayagan ng ICC na ‘di humarap sa unang status conference sa Mayo 27

0 7

Advertisers

PINAYAGAN ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte na lumiban sa unang status conference para sa paglilitis sa kaniyang kasong crimes against humanity sa Mayo 27.

Ito ay matapos ipaabot ng kaniyang legal team sa tribunal na nais na i-waive ng dating pangulo ang kaniyang karapatang humarap.

Sa 7-pahinang kautusan na may petsang Mayo 22, pinagbigyan ng ICC Trial Chamber III ang hiling ng defense team ni Duterte na lumiban ang dating pangulo sa pagdalo sa status conference sa The Hague.



Ayon sa Trial chamber, ikinatwiran ng depensa na ang pagmandatong humarap ang akusadong indibidwal sa paglilitis ay maaari lamang i-apply sa aktwal na trial at hindi sa status conference.

Inaprubahan naman ng tribunal ang naturang hiling subalit inatasan ang mga abogado ni Dutertre na magsumite ng isang written waiver ngayong Lunes, Mayo 25, na personal na pirmado ng dating pangulo.



Samantala, tinanggihan ng ICC ang hiling ni Atty. Gilbert Andres, isa sa mga legal counsel ng mga biktima, na lumahok nang “remotely” sa status conference.

Ayon sa korte, dahil may mga pisikal na dadalong miyembro ng kanyang team, at sa mga limitasyon sa secure na remote connection para sa private sessions, hindi ito pinahintulutan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">