Advertisers

Advertisers

MAS MAHIGPIT NA RECRUITMENT SA PULIS, ITINUTULAK NI CALINISAN; ABUSADONG ROOKIES AT INTERNS, PINUNA

0 13

Advertisers

Nagbabala si National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Ralph Calinisan sa mga nais maging pulis na kapag nag-abuso sila bago pa man maging pulis, personal niyang titiyakin na di na sila magiging pulis, kasabay ng panawagan para sa mas mahigpit na recruitment at regulation ng review centers para applicants.

Sa kanyang pagdalo sa “MACHRA Balitaan” news forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA), nagpahayag si Calinisan ng pagka-dismaya na sa kasalukuyan umano ay maraming bagito o ‘rookie’ na pulis – at maging mga interns pa lamag ang nasasangkot sa iba’t-ibang uri ng pag-abuso.

“Bago palang, di nasala. Nagka-uniporme, may tsapa at baril pero ang presdisposition, hindi para maglingkod sa bayan kundi mag-abuso,” aniya.



Binanggit din ni Calinisan ang kaso ng isang intern na nahuling nagmamaneho ng walang plakang motorsiklo habang hindi nakasuot ng helmet.

“If abusado na sa umpisa palang, me problema na tayo. So, pag pulis na ‘yan, mahirap na isuheto dahil nasa loob na sila… alam mo na abusado estudyante pa lang ba’t mo pa gagawing pulis?” pagbibigay-diin nito.



Ayon kay Calinisan, maging criminology schools ay dapat na tumulong sa pag-produce ng mabubuti at kwalipikadong mga pulis.

Dagdag pa nito na kailangang pagtuunan ng pansin ang operation ng review centers, na aniya ay hindi nire-regulate ng CHED dahil di naman sila higher education institutions, o kaya ay ng Professional Regulation Commission o NAPOLCOM.



“So, LGU (local government unit) lang, busines permit lang, pwede na tayo magkaroon ng review center. No one knows how reviews are taught and they have ‘fantastic’ passing rates,” puna ni Calinisan.

Mayroon umano siyang ‘stake’ o pakialam dahil ang mga examinees ay nagiging pulis kalaunan at ‘these new policemen may not have values, na helmet lang, di pa maisuot.’

Napag-alaman na kapwa dating pullis ang mga magulang ni Calinisan. (JERRY S. TAN)