Advertisers

Advertisers

250 police riders vs ‘riding in tandem’

0 257

Advertisers

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Interior and Local Government (DILG) na magsanay ng nasa 250 police riders para panlaban o panghabol sa mga motorcycle-riding criminals.
Sinabi ito ni Pangulong Duterte sa kanyang public address Miyerkules ng gabi, Oktubre 14 sa pagkabahala ng pagtaas ng mga street crimes na kinasasangkutan ng mga naka-motorsiklo kasunod ng pagbubukas ng ekonomiya at pagluluwag sa mga quarantine restrictions.
Pahayag ni Pangulong Duterte, nahihirapan ang mga otoridad na habulin ang mga motorcycle-riding criminals o kilala ring riding-in-tandem dahil madali silang nakalulusot sa trapiko at nakakadaan maging sa mga eskinita.
Dahil dito, nais ni Pangulong Duterte na sanaying mabuti ang mga pulis sa paggamit ng motorsiklo at hindi sila dapat naka-uniporme para hindi makilala ng mga kriminal.