Advertisers

Advertisers

DUTERTE: TALAMAK PARIN ANG KORAPSYON SA DPWH!

0 232

Advertisers

INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte na talamak pa rin ang korupsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sinabi ito ni Pangulong Duterte sa kanyang public address nitong Miyerkules ng gabi, Oktubre 14, matapos ang meeting sa Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF).
Ayon kay Pangulong Duterte, pangunahin dito ang mga project engineers na kasabwat ang mga tiwaling contractors.
Sinabi ng Pangulo, walang konstruksyon na uumpisahan kung walang transaksyon o lagayan.
Dahil dito, hinihikayat ni Pangulong Duterte ang Kongreso na busisiin ang mga proyekto sa ilalim ng DPWH para malaman ang sinasabi niyang transaksyon.
“If Congress would want really to know, ang mga project ng DPWH mayroon talaga ‘yan para sa give. Hindi ko — hindi ko alam kung sino. There are so many officials lined up in the bureaucratic maze so hindi ko alam kung sino diyan, pati ‘yung sa medisina and all,” ayon sa Pangulong Duterte. (Vanz Fernandez)