Advertisers

Advertisers

Online sabong pinag-aaralan gawing legal

0 355

Advertisers

PINAPLANO ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na i-regulate para maging legal na ang online sabong.
Ayon kay PAGCOR Chief Andrea Domingo, ito ay para madagdagan ang kita ng gobyerno.
Pahayag ni Domingo, kabilang sa posibleng panuntunan hinggil sa online sabong ay pagkuha ng kaukulang permit ng mga operator sa local government units (LGUs).
Matatandaang napaulat na naglipana ang mga ilegal na e-sabong dahil ipinagbabawal pa rin ng gobyerno ang sabong mula nang ipatupad ang lockdown.