Advertisers

Advertisers

P1.7m shabu huli sa babae sa Manila

0 374

Advertisers

NATIMBOG ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang babae na nakunan ng P1.7 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation ng La Loma Police Station 1, Miyerkoles ng gabi.
Kinilala ni QCPD Director, Brig. General Ronnie Montejo, ang nadakip na si Rakilah Adulrahman.
Sa ulat, 8:45 ng gabi nang arestuhin si Adulrahman matapos bentahan ng shabu ang pulis na nagpanggap na buyer sa harap ng Mini Stop sa Tutuban Mall, Recto Avenue, Manila.
Nasamsam mula kay Adulrahman ang apat na plastic sachet ng shabu na naglalaman ng 260 grams na nagkakahalaga ng P1,768,000.00.
Nakapiit na si Abdulrahman at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec 5 at Sec 11 ng RA 9165.
Samantala, nadakip ng Fairview Police Station 5 ang da-lawang tulak na sina Kenneth Ryan Andres, 31, ng Blk. 1, Salvador st., Brgy. Sta Lucia, Quezon City; Jeonardo Sawal, 34, ng 005 Lakandula st., Brgy. Sta Lucia.
Ayon kay Fairview Police Station 5 commander, Lt. Col Melchor Rosales, 12:10 ng hatinggabi nang kanilang isagawa ang operasyon sa Bukanig st. corner Salvador st., ng nasabing barangay.
Nakompiska sa dalawa ang anim na plastic sachets na naglalaman ng 4 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P27,000.(Ernie Dela Cruz)