Advertisers

Advertisers

RET. COLONEL, EX-POLICE PATAY SA AMBUSH!

0 298

Advertisers

PATAY ang isang retiradong police colonel na hepe ng Civil Security Unit at Provincial Jail Management sa Kapitolyo ng Bulacan nang tambangan, Miyerkoles ng hapon.
Kinilala ang biktima na si ret. Col. Fernando Villanueva, 61, ng San Fernando, Pampanga.
Sa ulat, tinambangan ng da-lawang lalaki na armado ng cal. 45 baril ang biktima habang sakay ng kulay itim na Mitsu-bishi Estrada pick-up truck na government vehicle.
Ayon sa report, binabagtas ni Villanueva ang kahabaan ng Mc Arthur Highway 5:30 ng hapon, Oktubre 14, 2020, habang kasagsagan ng malakas na ulan papauwi na sa kanilang bahay nang pagbabarilin ng riding in tandem.
Samantala, pinagbabaril ng riding in tandem ang isang da-ting pulis sa Vitas, Tondo, Maynila, Huwebes ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Police Sgt. Dranreb De Castro , 47, isang awol (absence without leave), ng 407 Lallana St., Brgy. 93 Dist. 1, Tondo.
Sa ulat, 9:00 ng umaga nang tambangan ang biktima habang sakay ng kanyang motorsiklo na kulay itim nang sabayan ng riding in tandem at pagbabarilin sa tapat ng Deca Mall sa may Vitas st. corner Jacinto st., Tondo. Dead on the spot ang biktima, habang ang angkas nitong babae, umano’y kanyang misis, ay sugatan.
Ayon kay Major Rizalino Ibay Jr., hepe ng Manila City Hall-Manila Police Distrit, si De Castro ay may nakabarilang pulis na kapitbahay niya noon, si Sgt. Custodio, na tinamaan sa tiyan pero nabuhay. Ngunit kinalaunan ay namatay din ito dahil sa atake sa puso.
Ang isa pang tinitingnang anggulo ay iligal na droga. Talamak umano ang droga sa lugar ni de Castro.
Kasalukuyan pang nagsagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad, nirerebyu ang mga kuha ng CCTV sa lugar para sa posibleng pagtukoy sa mga sa-larin. (Thony D. Arcenal/Jocelyn Domenden/Andi Garcia)