Advertisers

Advertisers

300 miyembro ng TODA sa Pasay, inayudahan ni Sen. Go

0 274

Advertisers

PINADALHAN ng tulong ni Senador Christopher “Bong” Go ang 300 TODA members sa Pasay City.

Sa kanyang video call, kinumusta ni Go ang kalagayan ng mga TODA members kasabay ng pagtiyak na palaging bukas ang kanyang tanggapan para sa concerns ng mga ito kasabay ng pagtiyak na ginagawa ng administrasyong Duterte ang lahat para malampasan ang pagsubok ng COVID-19 pandemic.

Bukod sa mga pagkain, face masks, face shields at iba pa, ilang benepisaryo ang nakatanggap ng tablet para sa kanilang nag-aaral na mga anak na magagamit sa distance learning.



Binigyang-diin ni Go na mahalaga ang edukasyon kaya hindi dapat na naaantala ang pag-aaral anuman ang sitwasyon at gaano man ang krisis na dulot ng pandemya.

Pinayuhan din ni Go ang mga estudyante na mag-aral mabuti dahil kasiyahan ng isang magulang na makita ang anak na makatapos ng kanyang edukasyon upang maiangat ang kanilang buhay.

Maliban dito, ilang benepisaryo ang nakatanggap ng regalong bisekleta na magagamit bilang transportasyon lalo na at napakahirap at peligroso ang “commute” dahil sa pangamba ng pagkakahawa.

Samantala, dahil nabalitaan ni Go na marami ang hindi nakatanggap ng ayuda sa kasagsagan ng lockdown, pinakiusapan niya ang DSWD kung saan kasama ng kanyang staff ang mga kinatawan ng ahensiya na namahagi naman ng financial aid.

Labis naman ang pasasalamat ni Go sa DSWD gayundin sa DTI para sa pangkabuhayan na tulong sa mga benepisaryo. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">