Advertisers

Advertisers

7 MENOR DE EDAD, NASAGIP SA KTV BAR

0 336

Advertisers

Nasagip ang pitong menor de edad, habang arestado ang tatlong maintainer ng TRS-KTV Bar sa kahabaan ng Cagayan Valley road Brgy. Sapang Putol sa bayan ng San Ildefonso, Bulacan.
Kinilala ang mga dinakip na mga maintainer na sina Enrique Salonga alyas Iking, operator; Bienvenido Del Rosario y Catacutan; at Clariza Flores y Lucban kapwa floor manager.
Sa report na nakarating sa tanggapan ni PNP Regional Director PBGen. Val De Leon, naglunsad ng entrapment ng mga tauhan ng Intelligence Unit at Womens and Childern Protection Desk.
Kasong paglabag sa RA 9208 as amended RA 10364 ang kakaharaping kaso ng mga naarestong suspek, habang pansamantalang ilalagay sa shelter ng DSWD ang mga biktima.(Thony D. Arcenal)