Advertisers

Advertisers

Grade-8 stude nahirap sa learning modules, nag-suicide

0 426

Advertisers

Nag-suicide ang 13 taong gulang na Grade-8 student sa mismong tahanan nito sa Barangay General Climaco, lungsod ng Toledo, Cebu.
Ayon kay PLtCol Junnel Caadlawon, ang hepe ng Toledo Police Station, nakita na lang umano ang biktima na wala nang buhay ng kanyang kapatid na lalaki.
Sa report, may ‘mental depression’ umano ang biktima dahil sa naranasang paghihirap nito sa modular learning.
Napag-alaman na dati pang sinabi nito sa kanyang ina na magpapakamatay umano ito dahil masyado nang nahihirapan sa mga learning modules.
Ang naturang estudyante ang ikatlo sa mga mag-aaral sa Rehiyon 7 na nagpakamatay kung saan kabilang sa naging dahilan ang umano’y mahirap na modular learning ngayong panahon ng pandemya.(PFT team)