Advertisers
PINAGSASAKSAK at binasag ang mukha ng isang meat vendor at itinapon sa bakanteng lote sa Barangay Harana, Luna, lalawigan ng Isabela.
Kinilala ang biktima na si Christian Quitola.
Ayon sa ulat, natagpuan ang bangkay ng biktma 5:00 ng umaga na maraming saksak sa katawan at basag ang mukha na posibleng ginamitan ng matigas na bagay.
Ayon sa ng hepe ng Luna Police Station na maaaring itinapon lamang sa barangay Harana ang bangkay ni Quitola dahil wala namang sapat na palatandaan na doon ito pinaslang at wala ring palatandaan na lumaban si Quitola sa mga salarin.
Pangho-holdap ang tinitignan na motibo sa krimen dahil sa nawawalang bag ni Quitola na kinalalagyan ng pera at ang traysikel nito na tinangay ng mga hindi pa nakikilalang salarin.
Kasalukuyang ipinagpapatuloy ng mga kapulisan ang malalimang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.(PFT team)