Advertisers

Advertisers

BARANGAY KAPITAN SA ISABELA UTAS SA AMBUSH

0 231

Advertisers

Isabela – Nasawi sa pananambang ang isang barangay kapitan sa bahagi ng Barangay Pag-asa, Echague, Isabela nitong Linggo, Oktubre 17.
Ang biktima ay nakilalang si Ricardo Mencias, nasa tamang edad, may-asawa, kapitan ng Bgy. Camarao sa Cordon, Isabela.
Ayon sa ulat ng pulisya, sakay ng kanyang Sport Utility Vehicle (SUV) ang opisyal nang tambangan at pagbabarilin ng mga hindi pa nakilalang kriminal sa may lagpas ng tulay ng Barangay Annafunan at bahagi ng papuntang Barangay Pag-asa.
Tinamaan ang biktima sa mukha na tumagos sa kanyang batok, sanhi ng agarang kamatayan nito.
Ayon sa kaanak ng biktima, nagpaalam ang kapitan na pupunta sa Alfonso Lista, Ifugao para ibigay ang sahod ng isa nilang tauhan doon pero hindi nila alam ang sadya nito sa Echague,.
Anila, wala silang alam na motibo sa pagpatay sa kapitan dahil wala silang alam na may nakaaway ito at huling termino na nito bilang kapitan ng kanilang barangay.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon sa krimen ang pulisya.(Rey Velasco)