Advertisers
Nagpakamatay ang isang Indian national nang magkaroon ng depresyon nang hindi bayaran ng mga taong nangutang sa kanya sa negosyong “5-6”, sa pamamagitan ng pagbibigti sa kanyang tinutuluyang apartment sa Tanay, Rizal.
Kinilala ang biktima na si Manjot Singh, residente ng Maligaya St., Brgy. Tandang Kutyo, Tanay, Rizal
Sa report, marami umanong singiling pautang ang biktima dahil sa Covid-19, natigil ito bukod sa maraming nangutang na ayaw na siyang bayaran.
Lubha ito dinamdam ng biktima at nagkaroon ng depresyon o sama ng loob na posibleng nagtulak sa kanya upang wakasan ang buhay.
Inaalam pa ng otoridad kung may nangyaring foul play sa pagpapakamatay ng biktima.(PFT team)